Saturday, 16 February 2019

Paano Maiwasan ang Pagpapaliban sa Pag-aaral? (cramming) (Paglalahad)




Bilang kasabay sa darating na mga pagsusulit, nais kong ibahagi ang aking mga payo kung paano ito maiwasan ang pagpapaliban o cramming.



1.) Iyong tanggapin bilang mag-aaral na responsibilidad mong mag-aral para sa mga darating na pagsusulit. Huwag magreklamo dahil ito ang nature ng iyong gawain. 



2. )  Ihanda ang lahat ng mga kakailanganing gamit sa iyong pag-aaral. Paraan rin ito upang hindi ka maliway sa gitna ng iyong pag-aaral.



3.)  Tanggalin ang lahat ng maaring makadistract sa iyong pag-aaral. Kung nais mong hindi magsisi na inubos mo ang iyong oras sa mga hindi mahalagang bagay, ilayo mo na.




4.)  Magbahagi ng oras sa mga ‘break’ upang bigyan ng pahinga ang utak at oras upang maproseso ang iyong mga tinandaan at inintindi. Hindi ka isang supernatural na kayang magintindi sa isang upuan. Maliban na lamang kung napakatalino mong tao.




5. ) “Study smart, not hard” sabi nga nila sa Ingles. Hindi mo hawak ang oras kaya kailangan sulitin ang tinakdang oras sa pag-aaral. Hindi rin maganda na tandaan lahat ng nakasulat sa libro o sa iyong mga notes dahil kaunti lamang ang kayang proseso ng iyong utak. Samakatwid, gumawa ng paraan upang mas mapadali ang iyong pag-aaral at sa gayon, mas nakatipide ka pa ng oras.




Bilang pangwakas, alam kong mahirap hindi magcram lalo na at ating nakasanayan ito. Malaking pagbabago rin ang maaring idulot kung ito'y gagawin. Mas matututunan mong magtakda ng oras sa iyong mga gawain. Sa paghindi cram ay mababawasan rin ang stress at pressure. Ngunit, minsan ay iba-iba rin ang estilo ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Sabi ng iba ay mas epektibo sa kanila ang magcram. Ngunit kung ikaw mismo ang tipong tao na hindi epektibo ang pagcram, subukan mong iwasan ito, baka sakaling magbago ang buhay mo.





Sa kung sino man ang makakabasa nito, ito ay munting paalala na madami ka pang gagawin at hindi ka matatapos kung hindi mo sisimulan ngayon. :D





Disclaimer: Lahat ng ginamit na gifs ay hindi akin.

Credits to the Owners

Isinulat ni: Mikaela Nicole Galsim

No comments:

Post a Comment