PAGSASALAYSAY: Laro.
Naniniwala ako na lahat tayo ay may tinatagong talento, maaaring sa larangan ng sining, akademika, sports at iba pa. Basta gusto mo ang ginagawa mo at magaling ka dito, tiyak ay lalago ang talentong ito.
Bata pa lang ako nahuhumaling na ako sa mga naglalaro ng board games. Para sakin ang tatalino nlang tignan. Pero hindi sumagi sa isip ko na maglaro mismo. Grade 4 ako nang matuto ako ng basic moves sa chess, naglalaro kasi ang mga pinsan ko nito. Tamang laro lang. Grade 5 ako nang sapilitan akong isinali sa isang sports competition na gagawin sa aming probinsya na dadaluhan ng lahat ng private schools dito. Sumangayon na lang ako dahil sabi nila may dagdag puntos daw ito. Okay. Nagsimula ang "training" isang linggo bago ang event. Siguro nga wala nang choice. Okay lang kasi may puntos naman ako. Dumating ang mismong araw ng event nang maramdaman ko ang kaba. Ito pala yun, let the game begin. Natapos ang araw nang nakamit ko ang 2nd place sa elementary division. Grade 6 naman nang isali muli ako sa parehong kompetisyon. Nagtapos ang araw, ako ang naging champion out the 6 schools na naglaban. Tinanghal ako bilang representative ng bayan na ilalaban sa provincial meet. Lumipas ang isa o dalawang linggo at dumating na ang araw na yon. Masaya ang nangyaring event kahit pa na isang laro lang ang pinanalo ko out of 5. Basta may dagdag puntos sa Math, okay na. Grade 7 naman nang nagsimula ako dumalo sa mga chess training sa bayan namin. Madami akong nakilalang mga may passion din sa sports na to. Lumawak ang kaalaman ko at mga leksyon na natutunan. Grade 8 nang simula akong lumaban sa seniors sa bayan. Grade 9 naman ay pansamantala akong huminto dahil sa dami na nang school works. Masayang mag-chess, nagmumukha kang matalino. Pero naging masaya ito dahil ginawa ko ang gusto ko at may nangyaring mabuti sakin dahil dito.
Ipinasa ni: Vea Marie Franchesca D. Repia